Puspusan ang lesson at discussion kanina.
Nagpakitang-gilas ako sa recitation. Hindi naman nagpatalo si Riz... Masasabi
kong mahusay talaga siya. Gayunpaman, desidido akong talunin siya. Hindi ako puwedeng
magpaapekto sa nararamdaman ko para sa kanya. Ibang bagay ang pag-ibig. Ang
karangalan ay once-in-a-life-time. Hindi ko puwedeng piliin ang pag-ibig ni Riz
over honors. I have to compete.
Pero, gusto kong mahalin si Riz…
Hindi naman na niya ako sinusungitan.
Madalas nga kaming mag-usap at magpalitan ng kuro-kuro at saloobin over
intellectual matters. I always have fun talking with her. Ang sarap
niyang kausap. Ayaw niya lang na binibiro ko siya. At kung dati ay
nagpaparamdam siya sa akin, ngayon ay hindi na. Hindi ko na tuloy alam, kung
may gusto rin siya sa akin o wala.
Kapag umiintra si Romeo sa aming usapan,
saka lamang kami matitigil. Buwisit na bakla! Kung kelan ako enjoy na enjoy sa
pagtitig kay Riz, saka naman eeksena. Panira ng diskarte!
Hinatid namin si Riz sa bahay nila. Kasama
ko naman ang grupo. Si Gio. Si Rafael at Nico. At si Roma. Kanina ko lang
napatunayan na hindi pala totoong may boyfriend si Riz. Naisip ko lang. Kasi,
kung meron siyang syota, hindi siya magpapahatid sa amin. Dati-rati naman ay
sinusundo siya.
Natuwa naman ako sa hinuha ko. Sana lang
totoo, para may chance na akong maging boyfriend niya. Tutal, sinabi niya na
rin naman sa akin na dreamboy niya ako. Anong problema niya? E, dreamgirl ko
rin siya!
Matalino.
Maganda. Balingkinitan…
Ano pa ba ang mahihiling ko? Nasa kanya na
ang mga pangarap ko para maging kasintahan.
No comments:
Post a Comment