Followers

Saturday, July 12, 2014

Red Diary 84: Turn-Off

            Nag-focus ako sa mga assignments ko. Sa kuwarto ni Daddy ako gumawa. Kasi kapag sa sala, aabalahin lang ako ni Dindee. Nang matapos ko ang mga takdang aralin ko, saka ako lumabas. Nasa sala rin si Dindee. Doon siya nag-aaral, habang nanunuod ng telebisyon. Naisip ko, kakaiba siya. Hindi siya tulad ko, na hindi makapag-concentrate sa lessons, kapag may ingay. Kumpara kay Riz, walang-wala siyang panama. 
            Hindi naman bobo si Dindee. Pero, hindi rin naman matalino. Turn-on pa rin ako sa matalino.
            Umupo ako sa katabi niya. Susubukan ko siya, kung papansinin niya ako. Hindi nga ako nagkamali. Pinansin niya ako. Halos, itigil na niya ang pagsusulat nang makita ako. Ang daldal at ang kulit. Andami niyang kuwento. Binida niya ang mga classmates niya, as if, kilala ko.
            Ah, ganun ba? 
            Ah, talaga!
            Galing, ah!
            Puro ako ganun... Hindi ako maka-relate sa kanya. Kung ang sinabi niya sana ay tungkol sa Algebra, malamang andami ko ring nasabi.
            Turn off!
            Sayang... maganda pa naman siya. Seksi pa at maputi.
            Di bale na. Di naman siya ang dreamgirl ko. Fantasy ko lang siya.
            Tapos na mag-aral at magbasa si Dindee. Iniligpit na niya ang mga notebooks niya. Inilabas naman niya ang Xperia Z niya. Tapos, nagpakita ng pictures nila kanina sa school.
            "Tulog na ako, Red, Dindee. Good night!" Noon ko lang napansin si Daddy. Nagtampo yata, kaya matutulog na lang.
            Nag-good night din kami ni Dindee.
            Kinuha ko ang cellphone ni Dindee at in-scroll ang mga pics nila. "Oops! Sino 'to?" Ipinakita ko ang picture nila ng lalaki. Medyo may itsura, pero mas gUwapo pa rin ako. "Ang pangit naman mag-selfie!"
            Natawa si Dindee. "Selos ba ‘yan, Red? Nice! Good for you!"
            "Ako? Ako, Dindee? Never in my dreams, na magselos sa mokong na yan!" Tumawa Rin ako para ‘di halata. Pero, deep inside... totoo ang sinabi ni Dindee.
            Bakit ba ako nagseselos? Hindi naman si Dindee ang gusto ko.
            "Sinabi mo yan, ha?!" si Dindee. "Tatandaan ko ang gabing 'to."

            "Sige, tandaan ko." Mukhang napasubo ako, ha... May plano yata si Dindee.

No comments:

Post a Comment

Lakad na!

  Lakad na!     Kung kaya namang lakarin ang lugar na pupuntahan, huwag nang sumakay dahil ang paglalakad ay maraming benepisyo sa kat...