Na-late na naman ng uwi si Dindee. Nasanay na
siya sa buhay-Maynila. Ang bilis nga, e. Gala na agad siya.
Natapos ko na lahat-lahat ng schoolworks
ko, siya wala pa. Wala naman sana akong pakialam sa kanya, dahil hindi ko naman
siya kaano-ano. Kaya lang, boarder namin siya. Isa pa, anak siya ng kaibigan ng
Mommy ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya, kung mapahamak siya? Kasalanan
pa namin ni Daddy.
Pag-uwi niya, tinawag ko siya. Sa labas
kami ng bahay nag-usap. Ayaw ko kasing marinig ni Daddy ang sermon ko sa kanya.
"Hindi lang isa... kundi
dalawa. Ilang beses ka pa ba maggagala, after ng klase mo?" Galit ang tono ng boses ko. Halata niyang naiinis
ako.
"Ooops!
Teka, Red... Anong meron? Bakit ka ganyan? Daddy ba kita?" Irritated na rin si Dindee sa akin.
"Bakit?
Kailangan bang maging tatay mo pa ako para ipaalam sa'yo ang mali mo?"
"Mali?"
"Oo!
Mali!"
"Anong
mali ko?"
"A,
wala! Umuuwi ka lang naman ng hapon o halos gabi na. Di ba pang-umaga ka?"
"Salamat
sa concern mo, ha! Pero, hindi ka nakakatuwa, Red! Wala kang pakialam kung
umuwi ako ng late!" Noon ko lang
nakitang magalit nang husto si Dindee. Siguro ay napuno siya sa mga sinabi ko.
Pero, sa tingin ko, tama naman ang mga sinabi ko. Concern lang ako sa kanya.
Nasa ulo na rin ang galit ko. Matigas pala
ang ulo niya. "Walang
pakialam? Saan ka ba nakatira?"
Nagpanting siguro ang ulo niya... Halos,
mautal siya sa pagsagot. "A, ganun?! Nanunumbat ka? Sige, bukas na bukas... aalis ako sa
bahay mo!" Nag-walk-out
siya paloob ng bahay.
Naiwan ako. Nag-isip ako. Tama ba ang
sinabi ko? Mali ba ako?
Alam ko, umiyak siya...
Hindi ko kasi napigil ang sarili ko...
Bakit ako ganun? Siguro ay nasanay lang akong and,yan siya lagi na
nangungulit. At ‘pag ‘di ko siya makita nang matagal, naaasar ako, lalo na at
may crush siyang kaklase niya.
Bakit ganun?
No comments:
Post a Comment