Followers

Sunday, July 13, 2014

Red Diary 86: Si Michelle

Kinausap uli kami ni Sir Briones. Ano na raw ang desisyon namin. 
            Kinausap ko si Daddy kagabi. Payag naman siya. Wala raw problema. Kung pera ang kailangan, magagawan naman daw ng solusyon. Payo nga sa akin, magsabi na raw ako sa Mommy ko at sa mga tiyo at tiya ko para makahiram ng mga costume.
            Nang nagtext ako kay Mommy, payag naman siya. Kaya lang, hindi raw siya pUwedeng umabsent para tulungan ako sa mga rehearsal. Okay na ‘yun, sabi ko. May mga magtuturo naman sa amin. Mabuti nga at willing siyang magbigay ng mga kakailanganin
            Si Riz naman ay hindi pa pinapayagan ng Papa niya. Mahirap daw ang pera ngayon. Mama niya lang ang may gusto, kaya hindi pa siya makapagdesisyon.
            Gayunpaman, natuwa na si Sir Briones. At least daw, dalawa na kami ni Nico na nag-confirm. Binigyan lang si Riz ng hanggang Biyernes na palugit para magdesisyon. 
            Malungkot ako dahil hindi pa sure si Riz. Baka ‘pag nagkataon, hindi na siya makasali. Hindi ako magiging inspired sa competition. Gusto ko kasi siyang maging Ms. Campus Personality 2014. 
            Uwian…
            Dumaan kami sa bulletin board, na malapit sa gate o guard house. Nakapaskil doon ang notice ng Search for Mr.& Ms. Campus Personality 2014. Tapos, sa ibaba naman nito ay listahan ng mga nag-confirm. Kasama doon ang pangalan ko. Walo na kaming lalaki. Anim pa lang ang mga babae. 
            "Riz, sana kasali k,." bulong ko kay Riz, habang nagbabasa siya ng mga nakapost doon.
            Bago siya nakasagot, dumating ang isang contestant na babae. Si Michelle yata ‘yun. Sabi niya: "Hello, Red! Goodluck to both of us! I know, ikaw ang magiging Mr. Campus Personaliity at ako ang magiging Miss!" Malakas ang pagkakasabi niya. Enough para marinig ng mga naroon. Maharot pa ang boses niya. Nairita tuloy sa kanya si Riz. Umikot-ikot ang mga eyeballs niya. 
            Wala akong nasabing iba, kundi: "Goodluck!" Nginitian ko lang at tinalikuran na. Hinarap ko naman si Riz, na nakanguso at naiinis pa rin sa asal ni Michelle.
            Nang makalabas na kami ng school, sabi ni Riz: "Ang lakas naman ng confidence nung Michelle na 'yun! Siya na agad ang panalo... Duh!" Tapos, ginaya pa niya ang dialogue ni Michelle, pati ang action niya.
            Nagtawanan kami. Si Roma naman ay nagsabing "Selos ka naman! Sumali ka na kasi. Daming arte!"
            "Tumigil ka nga d’yan, bakla! Hmp! Kaw kaya ang sumali..."
            "Wow! Dream come true!"

            Lalo kaming nagtawanan.

No comments:

Post a Comment

Lakad na!

  Lakad na!     Kung kaya namang lakarin ang lugar na pupuntahan, huwag nang sumakay dahil ang paglalakad ay maraming benepisyo sa kat...