Ang tahimik ng bahay namin. Kaninang hapon pa. Nakakabingi. Hindi ako sanay na walang kibuan. Si Daddy, panay lang ang tingin sa mukha ko, pero walang sinasabi.
Pagkakain namin nina Daddy, naghugas ng pinagkainan si Dindee. Ako naman, nag-gitara. Tinugtog ko "Here Without You" at "The Man Who Can't Be Moved". Tumigil ako saglit para magpapansin sa kanila. Nagpalakad-lakad ako sa buong kabahayan na tila may hinahanap. Ngunit, walang nagtanong kung ano ang hinahanap ko. Kaya, tumugtog uli ako. This time, "Sorry" na ang kinanta at ginitara ko. Ginawa kong mas malumbay para mabagbag sila. Maya-maya, nag-walk-out si Daddy. Pumasok siya sa kuwarto. Tinuloy ko lang ang pagtugtog. Pagkatapos, sumunod ako sa kuwarto. "Daddy, masakit po ba ang likod ninyo? Massage po kita.." Pumayag naman siya. Bati na kami sa ganun lang. He he. Mabuti na lang may talent ako sa pagmasahe.
Nag-usap kami ni Daddy. Huwag na raw akong papayag sa uulitin na suntukin ninuman. Lumaban daw ako. Kaya, di niya ako kinibo para ma-realize niya ang mga mali ko. Tinanggap ko na lang na kamalian ang pagtitimpi.
Nakatulog si Daddy sa masahe ko. Nag-gitara uli ako. Tinugtog ko ang "Pusong Bato". First time kong kinanta at ginitira ito kaya habang patingin-tingin sa song-hits, patigil tigil naman ang pagkanta ko.
Sa di-inaasahang pangyayari, nakita kong humahagikhik si Dindee sa kakatawa. Tumawa na rin ako. "Ikaw, ha..tinatawanan mo ang kanta ko.."
"Kasi..nakakatawa ka naman talaga, e.." Tumawa uli.
"Ah, ganun.. Nakakatawa.." Nilapitan ko siya at kiniliti sa tagiliran. Nang di pa ako makuntento sa tawa at pagkakiliti niya, kinabig ko siya. Dumikit ang likod niya sa dibdib ko. Natigilan ako. Bawal pala siyang lambingin at hawakan. Usapan namin 'yun..
Pero, nakalimot siya... Gumanti siya sa pangingiliti kaya halos maghagod niya ang natutulog kong kainosentihan. At, natukso akong yakapin siya para di niya ako makiliti. Niyapos ko siya ng kayhigpit. "Ano? Tatawa ka pa?"
"Hindi na po.."
"Good!" Binitiwan ko na siya. "Sorry nga pala.."
"Oy, marunong din palang magsorry si Mr. Campus Personality.."
"Oo naman."
"Kala ko, pati yun ikduduwag mo pa.." Kiniliti ko uli siya, hanggang sa bumagsak kami sa sofa. Natigilan lang kami ng bumagsak ang remote control ng TV.
No comments:
Post a Comment