Masama ang pakiramdam ko nang magising ako kaninang umaga. Mainit ang leeg ko. Shit! Tinamaan ako ng lagnat. Siguro ay dahil naulanan ako kagabi. Masakit ang katawan ko. Ayaw kong isipin na dahil ito sa pagkasuntok sa akin ni Leandro. Grabe namang epekto niyon kung iyon nga.
Pinagsilbihan naman ako ni Dindee. Pinainom ng gamot. Pinakain. Dinaldalan. Pinatawa. Parang hindi ko naramdaman na may sakit ako dahil di ako nag-isa. Hindi tulad ng dati na wala pa siya. Kapag nagkakasakit ako, ako lang ang nagpapagaling sa sarili ko. Sinasabi ko sa sarili ko na kailangang kong gumaling dahil hindi ako maaalagaan nina Mommy at Daddy.
Ngayon, ramdam ko ang pag-aalaga mula sa babaeng di ko naman kaanu-ano. Na-realize ko tuloy na mahalaga pala siya sa bahay na ito. Naisip ko na mahalaga pala siya sa akin. "Salamat, Dindee. Kahit iniway kita nung Huwebes, inaalagaan mo pa rin ako ngayon.." pag-e-emo ko habang pinupunasan niya ako ng basang bimpo sa noo at leeg.
"Oo nga, eh! Pasalamat ka, natawa ako sa Pusong Bato mo kagabi..kundi kawawa ka ngayon."
"Kawawa talaga? He he!"
"Hindi! Pitiful! Ikaw talaga..kumukulit ka pa kahit may sakit na. Iwanan kita. Gusto mo?"
"Ay, hindi na. Wag mo akong iwan." Kinuha ko ang kamay niya. "Thank you uli for being here for me."
"Drama king ka naman ngayon.."
"Thankful lang. Kaw naman..sige na, mag-welcome ka na kasi."
"Ang kulit mo Red! Ikaw ang unang nakilala kong may lagnat na nakakapagbiro pa. Tsk tsk. Nagsasakit-sakitan ka lang yata, eh."
"Hindi, ah! Hipuin mo ang katawan ko.." "Kanina ko pa nahihipo. Basa kaya ang kamay ko.." "E, di yakapin mo ako.." sabay ngiti ko.
"Ikaw ha, nagiging manyakis ka na.!"
"Ayaw mo? Di wag!" "Sige na nga.." Niyakap niya nga ako. Nawala ang lamig..
"Dyan ka lang.. Hanggang pagpawisan ako."
"Makikita tayo ng Daddy mo. Baka kung ano ang isipin."
"Sandali na lang..Masarap kang yumakap e. At para gumaling na ako."
"Sobra ka na, ha! Tapos, magagalit ka na naman sa akin sa mga susunod na araw."
"Hindi na..." bulong ko sa tainga niya habang nakayakap siya sa akin at habang magkadikit ang aming dibdib."..dahil mahal na kita.."
"Ano'ng sabi mo?" Bumangon siya. "Ano ang sabi mo?"
"Wala! Sabi ko..hindi na kita aawayin dahil mahalaga ka sa akin at mabait ka.."
"Hindi ganun ang narinig ko! Hmp, umayos ka, Redondo!"
Natawa na lang ako. Alam pala niya ang pangalan ko..
No comments:
Post a Comment