Nagulat ako kanina sa PE period namin.
Pinatayo ako ni Sir Briones sa harapan. Tinawag din si Riz at si Nico. Mga guwapo
raw kami at maganda si Riz. Kami na raw ang tatlo sa official candidates sa Mr. & Ms. Campus Personality 2014.
"Hala, Sir!" Nag-react ako sa sobrang gulat. Nag-disagree rin ang
dalawa. Ang mga kaklase naman namin ay nagpalakpakan. Parang pumayag na kami.
Hindi ko nga nabasa sa bulletin board ang tungkol dito, e.
"I'll
give you high grades, kung sasali kayo," offer ni Sir. Medyo, malambot siya kaya, malambot din ang
pagkasabi.
"Sir,
paano po kung matalo ako? Mataas pa rin po ba ang grade ko?" Si Nico, interesado yata. Kaya lang pinagtawanan
siya, kasi alam naman namin na may kahinaan siya.
"Opo.
Win or lose. Just join."
“Yes,
Sir! Payag na po ako!" confirmation ni Nico. Ang lakas ng loob niya. Oo, may
katawan at may itsura siya, pero kailangan ng brain, lalo na sa Q&A. Pero,
I wonder, bakit siya kinukuha ni Sir?
"Ok.
I'll count you in. How about you, two?" tanong ni Sir sa aming dalawa ni Riz. "You got the looks and brains. Ito ngang
si Nico, pumayag na, e..." Hmm, may gustong
ipakahulugan si Sir. Hindi na niya tinuloy.
Hindi ako nag-confirm. Pero, hindi rin ako
umayaw. Humingi ako ng isang araw para mag-isip. Kailangan ko rin kasing
i-consider ang gastos at ang time. Baka makaapekto ito sa studies ko.
Si Riz, hindi rin kaagad umuo. Itatanong pa
raw niya sa parents niya. Tiningnan pa nga niya ako, bago kami pinaupo na para
bang humihingi siya ng approval mula sa akin.
Kung competition ang turing ko sa
co-curricular activities na sasalihan namin, hindi ako papayag na sumali siya.
Pero, dahil gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto kong pareho kaming makasali.
No comments:
Post a Comment