Followers

Saturday, July 5, 2014

Hijo de Puta: Uno

Hindi na ako nakapagmeryenda sa bahay kaya habang nasa dyip ako ay nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan ko. Kaya, pagbaba ko, tumuloy ako sa 7-Eleven at bumili ng cheese hotdog at Slurpee. 

Binilisan ko ang pagkain dahil alas-singko kuwarenta y singko na. Kinse minutos na lang ay time na. Dapat alas-sais ay nasa  Xpose Bar na ako. Biyernes ngayon, maraming parokyano ang dadagsa sa bar.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-ubos ng hotdog-on-a-bun ko nang may magandang babae ang naki-share sa table ko dahil wala ng maupuan.

Kahit nagmamadali akong kumain, nagawa ko pa ring titigan siya. Maganda siya. Kamukha niya si Marian Rivera. Nasa bente ang edad niya, hula ko.

Maya-maya, isang malakas na ring ang nakagulat sa akin. May tumatawag sa cellphone ng dalaga. Hindi siya tumayo nang sagutin niya ang tawag.

"Hello?.. Ha? Hala! Bakit ngayon pa?....O, sige, magpapaalam ako. Sige.. Oo! Bye." Malungkot at maluha-luha niyang pinatay ang kanyang mobile phone at dali-daling tumayo at umalis. Sinundan ko siya ng tingin. Noon ko lang napansin ang kanyang uniporme--puting-puting blouse at palda. Nursing student siya.

Nang nakalabas na siya, saka ko lang nakita ang itim na planner sa table. Naiwan niya. Inakma kong habulin siya para ibigay iyon ngunit hindi ko na siya nakita. Dinala ko na lang ito sa aking trabaho. Hindi ko ito binuksan dahil sa pagmamadali.

Sampung minuto akong late...

"Anyare sa'yo, Hector? Ngayon ka lang na-late ng husto.." bungad ng baklang floor manager namin. Hindi naman galit ang boses pero nakapamaywang.

"Na-traffic lang po, Mama Sam." Kiniss ko siya sa pisngi gaya ng nakasanayan naming lahat at bilang pagbibigay-pugay sa aming manager.

" O siya.. kung di ka lang mabango at pogi.." Hinawakan niya pa ang puwet ko at pinisil. "Hala, sige.. pasok na doon. Maghanda ka na.'

"Thanks, Mama Sam!" Pumasok na ako sa dressing room at tahimik na naghubad. Masama ang tingin sa akin ng iba kong kasamahan. Gaya ng dati, inggit na naman sila dahil di ako senermunan ni Mama Sam. Sila kasi kapag late ay binubungangaan ni Boss, mula sa pinto hanggang sa dressing room. Sila na ang maging paborito.. 


No comments:

Post a Comment

Si Jess at ang mga Batang Alpha -- Martino #1

Bilang mag-aaral sa Grade 6, nahihirapan si Martino sa kaniyang mga aralin, lalo na’t apektado siya ng mga problemang pampamilya. Hindi siya...