Followers
Saturday, July 5, 2014
Red Diary 10: Faithful
Nilambing ko si Mommy, pagkatapos kong mag-almusal para bigyan ako ng pang-internet load. Sinabi ko kasi na inupload na ni Dindee ang mga pictures namin kagabi. Since, excited siyang makita, binigyan niya ako, pati ng pangload sa cellphone.
Tapos, tiningnan naming lahat ang mga photos. Tawa kami nang tawa sa mga kuha namin ni Dindee. Ang sweet daw naming, sabi ng mga pinsan ko. Pati nga lolo ko ay nakiki-uuuy na rin.
Nang kami na lang ni Mommy ang nasa kuwarto, tinanong niya ako tungkol kay Dindee. "Kayo na ba?" Nakangiti naman siya. Animo'y kinikilig.
"Hindi pa po, Mommy", sabi ko. Nalungkot siya. Bakit daw? Akala raw niya ay kami na. Bagay na bagay daw kami. Kaklase pa niya ang Mommy nito, kaya boto siya.
Kaso, hindi kami, e..
Hindi nga ako marunong manligaw. At, hindi ko alam kung paano ko liligawan. Isa pang rason, magpapari ako.
May Riz pa, na sa akin ay nagpaparamdam. Paano na kaya ito? Isa lang naman ang puso ko. Okay naman sanang maranasan kong magkasyota, habang hindi pa ako nakakapasok sa kumbento, kaya lang… magiging salawahan ako, kung pagbibigyan ko pareho ang dalawang babae.
Kung si Daddy ang tatanungin ko, malamang… magiging playboy din ako, na gaya niya. Masarap kayang maging two-timer?
Siguro...
Pero bilang first timer sa paggi-girlfriend, gusto ko sanang maging buo ang pagmamahal ko sa iisang babae. Dapat akong magmahal ng isa lang. Kailangang kong mamili ng liligawan.
Ramdam kong mahal ako ni Riz. Gusto rin ako ni Dindee. Type ko silang pareho. Boto si Mommy kay Dindee. Sigurado akong, gusto ni Daddy ang dalawa…
Ang gusto ko? Isa lang…
I want to be faithful.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment