DENISE' POV
Wala namang tumawa at nang-asar sa akin nang nasabon ako ng istriktong Physics teacher namin. Alam kasi nilang babatukan ko ang gumawa niyon sa akin. Kapag babae naman ang nagparinig sa akin, kukumprontahin ko at aawayin ko. Kaya lang sa sobrang hiya ko sa nangyari, na halos pagtimbangin kami ni Dennis, ay hindi ko nakayanan. Gusto ko na ngang mag-walkout. Kaya nang uwian na, ako yata ang unang-unang nakalabas ng school sa aming magkakaklase. Mabuti na lang, last period ang Physics namin.
"Denise! Denise!" Tinatawag pala ako ng kakambal kong matalino.
Tumigil ako. "Bakit?" Hindi ko siya tinataasan ng boses.
"Sabay na tayong umuwi."
"Sige."
Wala kaming kibuan sa dyip hanggang makauwi kami. Sa bahay na nagsalita si Kuya Dennis.
"May assignment tayo sa Science. Gawin na natin agad, bago tayo mag-net."
Ano'ng nakain ng kapatid ko? Mukha yatang concern na concern na siya sa akin. Dati-rati naman, hindi niya ako pinaalalahanan na may homework o may graded recitation o may quiz. Naghuhugas-kamay siguro. Kasi, bilang kuya, siya dapat ang magpapaalala sa akin na mali na ang ginagawa ko o may nakalimutan akong gawin. Ewan!
"Mamaya na ako, Kuya... Idlip muna ako."
"Sige, pakopyahin na lang kita. Gusto mo?"
"Bahala na." Hindi ko alam kong tama ba na pakopyahin niya ako. Hindi ba, kinokonsente niya ang kahinaan ko? Dapat pinipilit niya ako... Bahala na nga!
Kailangan kong makaidlip para mawala ang bitterness ko sa Physics teacher namin. Buwisit! Akala niya, mag-aaral ako sa subject niya. I hate Physics! So, I hate Physics teachers!
No comments:
Post a Comment