Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 19: Nice
Nagseselos ako.
Nang nag-online ako at nag-open ng Facebook, nakita ko ang in-upload niyang selfie picture na kasama ang isang lalaki. Dikit na dikit ang mga pisngi nila. May hashtag pa. Sabi niya: #feelinghappy.
Nagpapaselos ba siya? Effective... Nagseselos ako. Ngayon ko lang kasi nakita ang mokong na iyon. Hindi namin iyon classmate o schoolmate. Malamang, kapitbahay niya ‘yun.
Gusto kong makilala ang pinili niya, kaso hindi niya tinag, kaya ‘di nag-appear ang pangalan. Sa dami naman ng friends ni Riz, hindi ko naman maisa-isa pang buksan. Ang iba kasi poser naman at anime ang profile pic.
Di ko maiwasang magselos. May itsura naman ‘yung lalaki. Mas gwapo nga lang ako. Pero ang bottomline, siya pa rin ang choice ni Riz. Hindi ako. Hindi ko kasi siya sineryoso.
Gusto kong mag-comment sa picture nila, pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala akong dahilan para magselos. Siguro kung magkokomento ako, ‘nice one’ ang dapat kong sabihin. Nice shot. Pero, hindi nice na maging sila. Hindi ako papayag.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Elias Maticas 6
“Lolo Leo!” tawag ni Elias sa lolong pasakay na sa traysikel ng ama. Napalingon si Lolo Leo, gayundin ang ama ni Elias, si Papay Olive...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment