Followers
Sunday, July 6, 2014
Red Diary 20: Riz
Nagseselos ako.
'Yan ang status update ko ngayon. Andami agad Likes at Comments. Sabi ng iba: kanino? Bakit naman ang tanong ng iba. Pero si Dindee lang ang kakaiba. Sabi niya kasi: "Ano ba ang nagawa ko, Red?"
Hala! Akala niya ay patungkol sa kanya ang post ko. Hindi ko na lang ni-reply. Alam ko kasi mababasa ni Riz. Lalo lang siyang magagalit sa akin. Ayokong isipin niya na nagpapaikot lang ako ng mga babae. Hindi ako two-timer. Alam 'yan ng Diyos. Kung meron man akong unang mamahalin, siya na iyon. Hindi si Dindee.
Hindi ko lang alam kung saan ako dadalhin ng selos ko. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na pinagseselos lang ako ni Riz at ng mokong na iyon. Pero, mas lamang ang pag-iisip ko na sila nga. Although, hindi pa niya binago ang relationship status niya, malakas ang kutob kong magsyota nga sila.
Shit ako! Buwisit! Torpe ko kasi.
Torpe ka, RED!! Naunahan ka tuloy!
Kailangan ko na sigurong magpatulong kay Daddy. Siya ang makaka-solve nito. Siya ang maraming alam sa ganitong problema. Kung kay Mommy naman, sasabihin lang nun sa akin na "Bahala ka na, Red! Basta lagi mong tatandaan na kaming mga babae ay mahihina. Huwag mong gawing laruan ang mga babae.."
May point naman siya lagi. Kaya lang hindi niya ako mabibigyan ng tips para mapasagot at makuha ang Oo ng babae.
Ewan! Hindi na ako mapakali. Uwing-uwi na ako sa Manila. Hindi na ako makatulog dito sa probinsiya. Hindi na maalis sa isip ko si Riz. Gustong-gusto ko na siyang makita at makausap. Oh, Riz..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Elias Maticas 12
Elias Maticas 12 “Meow! Meow!” bati ni Diego kay Elias paglabas niya sa kulambo. “Adlaw, Diego! Nahamaw ka na?” Hinimas-himas ...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment