HONEY: Huli ka!
BEE: (Nagulat) Huwaaah! Buwaya ka!
HONEY: Sobrang gulat mo, no!? Mamigay ka kasi ng kinakain mo. Ano ba 'yan? Pahingi naman..
BEE: Ayoko nga! Chocolate 'to, e.. Sorry!
HONEY: Ang damot mo talaga.. Di mo ba lam na it's better to give than to receive? So, give me na..
BEE: Ayoko! Di ako naninwala dun. (Nguya)
HONEY: Bakit?
BEE: Basta! (Nguya, nguya, nguya)
HONEY: Pahingi naman, Bee! Favorite ko rin ang chocolate.. Please...
BEE: (Subo. Nguya, nguya, nguya) Ubos na! Sensya na! Bitin pa nga, e..
HONEY: Hmp! Ni gakulangot, di mo man lang ako pinatikim.. It's better to give nga, e.. Take note, to give!
BEE: Di nga ako naniniwala..kasi, what if ibigay ko sa'yo ng balat ng chocolate? Better ba 'yun?
HONEY: Karamutan mo! Siyempre, hindi. Ayaw mo lang mamigay. Hmp! Papakin ka sana ng mga langgam!
No comments:
Post a Comment