Followers

Tuesday, July 1, 2014

Honey-Bee: ADAM'S APPLE

HONEY: Ano bang kinakapa mo dyan sa leeg mo, Bee? May goiter ka ba?
BEE: Itong Adam's apple ko..
HONEY: Ah.. E, anong problema? Parang ayaw mo 'atang may Adam's apple ka..
BEE: Siyempre, gusto.. Nagtataka lang ako.. Sino ba ang pumitas ng mansanas sa Forbidden Tree sa Eden? Si Adam ba o SI Eve?
HONEY: Hay, naku! Parang di ka dumaan sa catechism.. E, di si Eba!
BEE: Alam ko..kaya lang.. sino bang nagpangalan ng Adam's apple?
HONEY: 'Yan ang di ko alam..
BEE: Tanga siya!
HONEY: Pa'no naging tanga?
BEE: Sabi mo, si Eba ang pumitas ng apple.. E. di dapat..Eve's apple..
HONEY: Mas tangers ka! Siyempre, lalaki lang ang may ganyan, kaya Adam's apple.. Gusto mo bang may Eve's apple ka? Ano ka, bading?
BEE: Hindi, sistah! Lalakwi ako.. Sige na nga! Adam's kung Adam's!

No comments:

Post a Comment

My Journal - April 2009

April 1, 2009 At 4:30, I was already wide awake. And at 5:00, Mama and I left the house. It was 6:30 when we arrived at East Avenue Medical...